Kilalang Mga Post

Sabado, Hulyo 30, 2011

A Blogger In Me

3:40 am               
July 18, 2011

Minsan nagising ako, Alas Tres y Medya ng madaling araw. Maraming suhestiyon, kuro-kuro, at nagliliparang kaisipan.
Biglang napahinto at biglang napasabi na…
“Bakit kaya ‘di ko subukan?”
Mukhang ito ang pinakamadali at pinakamahusay na pamamaraan upang maipahayag ang aking kaisipan at nararamdaman.
Marami ang nakakaalam na isa akong tahimik na tao;
Ngunit di nila alintana na ako ay malalim kung mag-isip at mapagmasid sa paligid-ligid.
Nais ko mang magpahayag ng aking saloobin..
Di ko naman ito kayang
Ito’y sa kadahilanan na natatakot ako na sabihin ng harapan ang lahat ng nilalaman ni kaibigang utak at matampuhing puso.
Natatakot ako sa mga puna na maaari kong matanggap dahil masakit para sa akin na makutya at mapahiya. Ngunit sa aking pag-iisip; ‘Di mo naman maipipilit na gustuhin ka ng mundo. Hindi lahat ng tao ay matutuwa sa bawat buka ng iyong bibig pati na ang mga salitang mamumutawi sa iyong mga labi.
Pero mas madali mong makukumbinsi ang sarili mo na panindigan ang lahat ng iyong sasabihin. Sa kadahilanang kilala mo ang iyong sarili higit sa ibang tao.
Mas mahalaga na mailabas mo ang iyong saloobin kaysa pag-tuunan ang puna ng iba. Ngunit responsilidad mong ingatan ang bawat salita na iyong gagamitin. Dapat maging sensitibo ka sa maaari mong masabi; maging sa mga tao o bagay na maaaring mong talakayin.
Kaya mula sa araw na ito ay  hindi na ako matatakot na ihayag ang saloobin ko. Naniniwala ako na makakapukaw at makakatulong ang bawat likha na maaari kong maibahagi dito.