Isang gabing malamig, Ikaw ang nakatabi.
Nakikinig sa iyong mga tinig, At Nabighani sa iyong tindig.
Ako’y natuwa sa dala mong saya, Unti-unti tuloy nawala ang kaba.
Sa mga sumunod na araw, ika’y tinatanaw.
Ngunit kapag nasulyapan, ako’y parang natutunaw.
Hindi ko alam kung bakit nahihiya, siguro marahil ako’y humahanga.
Hindi naman pagtakhan, Dahil madali kang pakisamahan.
Kaya marami ang humahanga, pati tuloy ako ay napapahanga.
Sana di ka magbago, upang ang nadarama ay di maglaho.
Sapagkat ako ay mananatiling ganito, para maging bagay tayo.
JM